iamchockencabo. Powered by Blogger.
RSS

Si Boy Jumbo at Ako

 chcock16

Sino ba ang makakalimot sa’yo? Sa huling picture natin na ito, kitang-kita kung gaano mo ako kamahal. Hindi ko makakalimutan ‘to tay. Ang higpit ng hawak mo sa kamay ko at sinabi mo sa akin “lumapit ka pa sa akin, chor.”

12 years na ang nakalilipas pero parang kahapon lang. Gusto kong alalahanin ngayon kung paano mo kami inalagaan, pinagtanggol, at minahal.

Naalala mo ba nung panahon na nasa tayuman tayo? Nung nagkasakit ako at hindi mo ako kayang ipagamot. Kinausap mo ako at sinabi mo na kailangan mo ako ipasok sa Missionaries of Charity dahil duon maalagaan at mabibigyan ako ng gamot. Hindi ko makakalimutan kung araw ko duon na wala kayo ni Ate. Hindi ko makakalimutan ang regular na pagbisita mo sa aking tuwing sabado at may dala kang tocinong manok na alam kong pinag-ipunan mo every week para lang madalhan mo ako tuwing dadalaw ka. Natatawa ka pa nga kapag kinakain ko na siya agad kahit walang kanin.

 

Nung High School na ako, dun nasubok ko ang pasensya mo. Nabarkada ako at madalas hindi ako nagpapalam. Sama ng loob. Yan ang regalo ko sa’yo kadalasan. Buti na lang at hindi ka sumuko…hindi mo ako pinabayaan. Sa maraming pagkakataon na pinagagalitan mo, kahit kailan hindi ako nagalit sa’yo dahil sabi mo sa akin “ito lang ang paraang alam ko, para maitama ang mga mali mo….”

 

Isa sa mga bagay na pinagpapasalamat ko, Tay, ay yung araw na sinabi mong lilipat tayo sa Quezon, City. Sa bahay ni Tita Onding. Isa sa mga dahilan na sinabi mo sa akin ay kailangan nating lumipat para umayos ang buhay namin ni Ate. And you were right. Salamat dahil nakatapos kami ng pag-aaral. Nagkaroon kami ng maayos na buhay.

 

April 2000, ilang buwan bago ka nagpaalam, tinawag mo ako at pinaupo sa tabi mo sa paburito mong papag habang nakikinig sa paburito mong si Engelbert Humperdinck sa iyong jollibee na radyo. Kinausap mo ako, sabi mo “May kasalanan ako sa inyo na hindi ko alam kung paano ipaliliwanag….” sobrang napaisip ako noon. Sunod na sinabi mo ay kung magkakatrabaho na ako, pwede ka ng mawala. Hanggang sa huling sandali, ako, kami ang iniisip mo.

 

November 20, 2000. 5:00 am. Papasok ako sa trabaho. Nilapitan kita para magpaalam. sabi ko “tay, alis na po ako. uwi na lang po kami ng maaga para may kasama ka…” agad mong sinabi “uuwi talaga kayo ng maaga…..”

 

Habang nasa klase ako, bilang kumatok ang co-teacher ko at sinabing may tawag daw sa telepono….si Ate daw….biglang tumigil ang lahat. Iba agad ang naramdaman ko. Mula sa classroom ko sa 4th floor, feeling ko yung ang pinakamatagal kong pagbaba sa hagdan papuntang faculty room.

 

Pagpasok ko sa faculty room, parang lahat halos ng mga kasama ko nakatayo at hinihintay ang paghawak ko sa phone. Si Ate Grace nga sa kabilang linya…umiiyak…isa lang ang sinabi nya….”Chor, si tatay…..” Ang tanging nasabi ko…”sige ate, uwi na ako….”

 

Palabas ng school, lunch time, tinawag ako ng isang estuyante mula sa 4th floor. Sigaw ko ay, “uuwi ako, may date kami ng tatay ko….” Pilit kong pinipigilan ang nararamdaman ko… lumabas ako ng school na walang clue ang mga bata kung saan ako pupunta. Kung ano ang nangyari sa tatay ng teacher nila.

 

Pagsakay ko ng bus, sa pinakadulo ako umupo. duon, wala na akong nagawa. Umiyak ako….umiyak ng umiyak.

 

Sa tapat ng city hall ng Maynila ako bumaba, sumakay ng taxi kahit 50 pesos na lang laman ng bulsa ko. “Sa West Triangle, Manong.” sabi ko sa driver. Sa biyahe, muli akong umiyak na parang bata. Nakita kong tinignan ako ni Manong. Alam kong naramdaman din niya kung ano ang nangyayari.

 

Pinahinto ko ang taxi isang bahay bago ang gate namin. Pagdating ko sa gate, wala ang paburitong papag ni tatay….naaninag ko sa sala namin na pinasok nila ang papag. pagpasok ko, nakita ko na nakatakip ng kumot si si tatay. Parang gumuho ang mundo ko…Wala ang maggawa.wala akong masabi. Hinawakan ko ang kamay ni tatay saglit. Nilapitan ko ang Tita Dory ko para mag mano. May kausap sa telepono, ang funeral parlor daw na mag-aayos kay Tatay. Si Ate Grace naka-upo malapit sa kusina. Niyakap ko siya…mahigpit. “Ulila na tayo…” sabi nya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko…Ang alam ko lang ay tapos na ang paghihirap mo at kasama mo na SIYA.

 

Tay, sa huling sandali, inihanda mo kami. Nagpapasalamat ako sa lahat. Hindi mo man napaliwanag yung kasalanang sinasabi mo na nagawa mo sa amin. Hindi na mahalaga yun. Mula ng nawala ka, hinanap ko ang sagot sa mga kamag-anak, sa mga kaibigan mo pero walang nakapagbigay ng malinaw na sagot. Ngayon, alam ko na. Sapat na na inalagaan mo kami. minahal mo kami. pinagtanggol mo kami. Ano pa ba ang hahanapin ko?

 

Salamat, Tatay.

 

 

iamchockencabo…..anak ni boy jumbo

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Moving Stills

in your eyesI always admire people who are able to capture images that tell stories.  Now that I am starting to learn photography, I always try my best to capture moments that will move people who’ll see my work. This set is from my trip to Chinatown in Bindondo, Manila during the Chinese New Year Celebration. I already posted this in my facebook page (www.facebook.com/chockencabo), but because I wanted to go back to writing blogs, I decided to post this again to start my new set of stories.

 

I hope that these moving stills will tell stories and will make an impact in our hearts and minds.

 

_MG_9565

“Isa sa pinaka malungkot na yugto sa buhay ng tao ay ang panahon ng pag-iisa.”

_MG_0195

_MG_9968

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Pagluha ang kanilang paraan para sabihin ang kanilang nararamdaman.”

_MG_9574_MG_9610_MG_9635

Sa Bisig ni Tatay alam ko na ako ay ligtas. Ako ay panatag.

_MG_9926

“Pananlig ang siyang sandigan.”

_MG_0184_MG_9607_MG_9892_MG_9965

“Sa kanilang mga mata makikita ang tunay na kulay ng buhay.”

_MG_9973

“Ina, masdan mo ang iyong anak.”

_MG_9795_MG_9797

“Salamat sa mga panahon na ako ay iyong inalagaan. Ngayon hayaan mong ako naman ang gumawa nito sa iyo.”

 

real.people.real.stories.

iamchockencabo

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS