iamchockencabo. Powered by Blogger.
RSS

Teachers. Real. Stories. (part 1)

Never did I imagine myself becoming a teacher. When I was a kid, I always saw myself as a future movie actor like Christopher De Leon or a famous singer like Martin Nievera or Gary Valenciano.  Madalas yun lang ang laman ng isip ko dahil inisip ko na may posibilidad na hindi ako makatapos ng pag-aaral dahil “mahirap lang kami.”  o‘Mahirap lang kami” Ito ang lumang salita na ayaw na ayaw kong naririnig. Noon pagsinasabi ko to, nagagalit ang tatay ko. Ngayon, tuwing naririnig ko ito, naaalala ko ang mga sinabi ni Tatay. “Hindi dahilan ang kahirapan para tumigil kang abutin ang mga pangarap mo. Hindi dahilan ang kahirapan para isipin mong kawawa ka at maisip mo na hindi mo kaya o wala kang magagawa….” 

Saka na nati pag-usapan ang tungkol sa mga una kong sinabi. Balik tayo sa kung ano ang handa ko ng ikuwento. Ang seminar na pinuntahan ko nuong isang linggo……

From April 05 to 08, together with some teachers from my school, I attended the National Education Conference at the Manila Hotel. Higit sa 2500 teachers ang attendees ng conference na ito at talaga namang dinaig ang mga pila sa sinehan sa dami namin. At first medyo nakakagulat ang dami. Sa isip-isip ko, itong dami kaya naming ito ay magiging kasing dami ng matututunan namin?

DSC03518Upon registration, medyo naging madali dahil my speacial lane para sa aming mga invited ng FAPE (Fund for Assistance to Private School). Ang classic part ng registration na talagang nagpapangiti sa akin ay ang bibigay nilang seminar kit. Hindi nga ako nagkamali. Isang envelop ng mga handouts and program, isang ID at ang inaabangan ng lahat, mula sa isang sponsor na publishing house….. ang kulay orange na bag….matingkad na orange bag na bagay na bagay sa mga teachers ng all boys’ school.

Medyo di maganda ang pwesto namin nung first session dahil halos nasa likod kami. Buti nga lang at may 6 na malalaking screen sa paligid ng  venue. DSC03521Nagsimula ang program ng, off course, medyo late sa inaasahang simula. Ang magandang boses ng emcee ang nagpagising sa amin. Sabi nga ng isang kasama ko “Parang boses ng Hollywood  actor ang boses niya.”  Siya si Fr. Roderick Salazar Jr., SVD na Regional Secretary for Asia of International Office of Catholic Education. 

DSC03523 The first keynote speaker was DepEd Secretary, Hon. Armin C. Salazar Jr., SVD. In his talk he said that “learning takes place, many times, outside the classroom.” Bigla kong naalala yung high school pa ako…sinabi din sa amin yun ng teacher ko sa English na si Ms. Lagasca. Tinatawanan lang namin yung idea na yun noon dahil, literal namin siyang nararanasan….sa labas talaga kami ng classroom nag-aaral. “Ang totoo”, sabi ko noon, “wala lang talaga tayong classroom kaya dito tayo sa labas…palusot lang nila ma’am yung outside the classroom. hahahahahaha.”

Ako ay produkto ng public school system. Jose Rizal Elementary School sa Tayuman Tundo at malapit sa Pritil (palengke), Jose Abad Santos High School sa Binondo na ngayon ay isa ng mall na pag-aari ng mga intsik, at sa City College of Manila sa Escolta na ngayon ay may annex na malapit sa SM Manila. Hindi naging madali ang pag-aaral sa public school dahil talagang patibayan ng sarili dito. Iisipin mo kung kaya mo bang makipagsabayan sa mga dyip at mga trak para makatawid ka, makakapag-aral ka ba ng mabuti kung ang classroom mo amoy CR kahit na ilang classrooms pa ang pagitan bago ang lugar kung nasaan ang CR? Imagine yung mas malapit s CR ang room? Maraming pagsubok na pagdadaan para lang makuha ang diplomang pangarap mo at ng iyong buong angkan.

Ngayong nagtuturo ako sa isang paaralan na may magandang pasilidad, aircon classrooms, mabangong CR, maayos na cafeteria ilanag bagay ang naiisip ko. Bakit may mga estuyante akong nagrereklamo dahil mainit sa classroom? Bakit may nagsasabing madumi ang CR nila? Bakit sila nagtatanong ng ganito? Kung nakikita lang nila ang sitwasyon ng ibang mga estuyante, maiisip pa kaya nilang magtanong ng ganito?

Ilang mga teachers ang nakilala ko sa seminar na ito. Mga teachers na muling nagpalala sa akin kung gaano kalaki ang tungkulin at responsibilidad ang dapat naming gampanan para  aming mga mag-aaral. Iba-ibang mukha ng guro ang nakita at nakilala ko sa apat na araw ng seminar. Isa-isahin natin ang ilan sa kanila:

1. Dr. Adelantada Supladita y TaasKilay:

Siya ang guro na may doctorate degree, hindi basta-basta ang gurong ito dahil siya ay principal ng isang paaralan. Maganda ang cellphone niya at dalawa pa. Maganda ang damit, parang kurtina lang namin na bulaklakin. Pulang-pula ang lipstick at puting-puti ang mukha na tila nadapa sa isang plato ng harina. Kasama namin siya sa table at after magpakilala, deadma na kaming lahat. Nang magbigay ng group activity ang speaker mula pa sa amerika, sabi ng Dr. TaasKilay, “Oh hindi na ako sasali dyan ha? I will just obsere kasi hindi ko na trabaho yan di ba?”  Bigla na lang kaming nagkatinginan ng mga kasama ko sabay sabing “ok po ma’am.” Alam ko na medyo naiinis yung katabi kong teacher pero pinigilan nya ipakita dahil baka makagat siya ni Dr. TaasKilay.

2. Ms. Meme Munako:

Simula pa lang ng semiar, nakita ko na siya noong umupo siya sa silya sa harapan namin. Parang pagod na pagod eh di pa nga nagsisimula ang seminar. Madaming dala si teacher na para bang kakababa pa lang nya sa bus o barko na galing kung saang lalawigan. Umupo siya at tumingin muna sa kaliwa….sa kanan….sa likod at sa harap sabay yakap sa bag at yumuko. Nang pinatayo ang mga participants para awitin ang pambansang awit, nakita ko na lang na hindi kumukibo si Ms. Meme Munako…..hala….nakatulog ata si ma’am….. kalaitnaan ng aming pag awit, biglang may kung anong kumalampag….ayun si ma’am nagulat at biglang napatayo para humabol sa huling limang nota ng pambansang awit. Mabuhay ka ma’am!

3. Mr. Bong Nganga:

Sa kahabaan ng seminar, maka-ilang beses din kaming nabigyan ng mga workshop activities para higit na masigurado ang aming pagkatuto sa mga tinatalakay na mga paksa. Sa isang workshop ko nakilala si Mr. Bong Nganga!  Siya ang natapat na workshop facilitator ng aming grupo. Ok naman sana pero ang di ko masakyan ay ito…Habang nagsasalita ang aming speaker na expert sa UbD (Understanding By Design) na galing pa sa US of A, siya ring daldal ni Mr. Bong Nganga. Sinasabayan niya si Madam speaker na galing pa sa US of A! Sa paraan ng pagsasalita ni Mr. Bong Nganga para kaming mga tao na hindi nakakaunawa ng salitang galing pasa US of A! Parang gusto kong busalan ang bunganga ni Mr. Bong Nganga! kainis!DSC03565

4. Mrs. Pinky Reklamador:

Hindi talaga mawawala sa isang seminar o ano mang pagtitipon ang mga tulad ni Mrs. Pinky Reklamador.  Sa isang buong araw na nakasama ko siya wala kang maririnig na positibo sa kanya. “Ang init naman dito sa tent (isa sa mga venue ng seminar)”, “Ang tagal namang i-serve ng pagkain!” Ayan may food na (at ng buksan ang takip ng aming pagkain…) Ay ano ba yan!? Tuyot naman yung ulam, kulang sa sauce! Ang tigas ng kanin, di masarap ang desert, sana cake na lang…..” Anak ng kalabaw, wala na talaga siyang nakitang maganda! 

5. Mr. Richie Guinto:

Guro siya sa isang public school sa isang lalawigan na maraming tanim na pinya. Sa kanyang kwento, hirap ang school nila dahil tulad ng maraming schools sa Pilipinas, kulang sila sa classrooms, upuan, libro, walang bubong ang canteen, etc. Sabi nya, marami silang mga estudyante na madalas absent dahil walang perang pamasahe o pambaon. Pero sa kabila nito, kitang-kita kay Sir ang mga nagtatabaan at nagkakapalang mga gintong barcelet, kwintas at relo! Para siya tito ko na galing ng Saudi! Ayon sa kwento nya, 2 ang sasakyan niya at meron din daw siyang condo sa Makati. Kapatid daw siya ng isang opisyal sa kanilang lalawigan na maraming tanim na pinya. Sa isip ko lang “Sana hindi niya sinusuot ang mga alahas na ito sa klase at hindi niya kinukuwento kung gaano karangya ang buhay nya sa kanyang mga mag-aaral. Ano na lang ang klase ng pagpapahalaga ang maibabahagi niya kung ang tanging alam niya ay ipagmalaki ang meron siya. Hay Sir!

Hindi natatapos dito ang aking kuwento, higit pa sa unang limang teachers na pinakilala ko ang mababasa ninyo sa susunod. Mga guro na talagang kahanga-hanga.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

CARPE DIEM!

another old blog that I want to share to all of you….. 

May mga pagkakataon na minsan parang feeling ko, gusto ko lang umiyak. (minsan sa tuwa, o minsan pag nakakaisip ka ng malungkot.) Isang manunulat ang nagsabi na okey lang namang umiyak minsan kasi sa paraang ito, nalilinis nito ang ating mga mata. Pero para sa akin hindi lang ito nakalilinis ng mata, mas madalas nakalilinis ito ng kalooban.

photoTuwing December, ganito ang pakiramdam ko...gusto kong umiyak...hindi dahil malungkot ako. Sa ganitong mga pagkakataon din, sinasabi ng aking mahal na asawa na dapat pag December hindi ako nalulungkot (Tama naman siya, di ba?) Noon madalas lungkot ang dahilan ng mga pa-iyak. Nasanay na kasi ako noon na tuwing pasko maraming tao sa paligid ko, yung tradisyonal na pasko, maraming pinsan, pamangkin, ninong at ninang. After my father died in 2000, medyo naiba ang ihip ng hangin. Lumipat ako sa isang boarding house kasama ang mga co-teachers ko sa unang school na pinag turuaan ko (wag na nating sabihin na Perpetual yung school sa Las Pinas) Then, that's the start of me celebrating Christmas na wala ang parents ko.

When I got married last May 27, 2005 , sobarang nag-iba ang pananaw ko. My wife, let me realized na hindi sa dami ng tao makikita ang tunay na kasiyahan. I have learned that in life we always have to know how to move on. I am lucky to have a very loving partner in life. Sobra ang suporta nya sa lahat ng ginagawa ko. She inspire to be the best person I can be. With her I have seen the importance of counting my blessings. Nakita ko kung ano ang mga tama at mali kong disisyon and she's always there to hold my hand. looking at you

Now that I am 29, I can say that I am growing as a person, kasabay narin ng paglaki ng akning katawan. Everyday I am learning. Sabi nga ng isang kanta... " You live, You learn, You cry, You learn." Walang masamang itinuturo ang karanasan ng isang tao, na kanya na lang ang desisyon kung anong aral ang dapat na tanggapin at gamitin. We commit mistakes pero normal lang yun. Ito ang magtuturo sa atin para makilala ang sarili natin.

I was 9 when my mother died... I was 11 when I stopped from schooling and stayed in an orphanage, the Missionaries of Charity Home of Joy for the sick Children (ang haba)... I was 12 when I became part of a foundation and finished Elementary and High School under the scholarship of the Charles Gorrisen Foundation. I have seen how my father asked  favor from our relatives for us to have food on our table. I have seen my eldest sister cried because she can't go to school because we have no money. I have experienced selling "bibingka" for me to play the family computer with my friends. Sa lahat ng mga karanasan na ito, may mga pamamaraan ang Diyos para hindi namin maramdaman ang bigat ng bawat pagsubok. May mga tao na tumulong at nagbahagi ng kanilang sarili para sa amin. I have learned the value of saying thank you sa lahat ng pagkakataon.

7 kuya Sa isang project namin sa Rotaract Club of Manila Metro, na tinatawag naming The Big Kuya Project. Nakikita ko ang sarili ko sa mga bata ng Sitio Kabulusan. They are the kids who are hoping that someday their families will have a better life. Sa kabila ng kanilang kalagayan  makikita mo ang ngiti at hindi luha at makikita mo ang paniniwala at hindi kawalan ng pag-asa.

Sabi nga ng bago kong hero na si Francis Kong "Be insipred so that you too may be inspiring, and pass on the gift to someone else today. Do that and I guarantee you, your day will be lived to its fullest."

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

“@#%^&**+#@#, ANONG PAKELAM MO?!

Ito ay ilan sa mga naisulat ko noon na nagpakita ng ilan sa maraming bagay na nakikita outside the classroom. Posted last July 08, 2008 mula sa aking multiply site.

IMG_0236 Nung bata pa ako, may mga araw na dinadala ako ng tatay kong si Boy Jumbo sa Luneta para makpag-laro kami ng ate ko. Sabi nya kasi "Kesa, maghabulan kayo sa kalye...eh di sa luneta na para mas maluwag (sabay tawa)" Pag tapos mag-laro, sunod kaming dadalhin ni tatay isa pang lugar sa luneta na kung tawagin ay break water. Dito naliligo ang mga tao lalo na ang mga bata, para mawala daw ang hingal o hika....

Higit 20 years na nakaraan nung huli akong nakaligo sa break water ng Luneta....

2008, July 06, muli kaming dumalo sa taunang project ng Rotary 3810 na Manila Bay clean up drive. At sa pangalawang pag-kakataon nakita kong muli ang kalunos-lunos na kalagayan ng lugar. Tambak kung tambak ang mga basura dito at talaga namang di kakayanin ng mag-hapon na linisin ito.


Lalo na at present din si Mayor Lim ng Maynila na busy sa pamimigay ng bente pesos sa mga taong nakapaligid sa kanya. Halos di magkamayaw ang mga bata, sama mo na pati mga matanda, sa pag hila ng bente pesos sa kamay ni Mayor....hay.....


Sa kabilang banda, habang busy kami sa pag papa-picture at pg-hila ng mga sako ng basura, ilang tanong ang pumasok sa isip ko.
1. May pag-asa pa ba ang Manila Bay?IMG_0189
2. Bakit ang daming gusto humingi ng bente kay Mayor?
3. Bakit camera ang hawak at hindi basura?


Nang makaramdam kami ng init dahil black ang maganda naming tshirt. Nagkatuawan kaming magkulitan sa gitna na Roxas Blvd. at todo pictures talaga ang labanan. Halos maubos ang baterya (ng bago kong camera na may 10X zoom hahahaha....) At halos mangawit nag mga panga namin kakangiti at halos pulikatin kami kaka-tumbling at kakatalon.


Nag-yaya akong mag-pakuha ng picture malapit sa dagat para mas maramdaman ko ang simoy ng hangin (hmmmm). Sa aming pag-hahanap ng pwesto, biglang may nakita ang isang member namin na sidecar na may pangalang Mark Lester....sabi ko sige dun tayo tapos pakita natin kay Lester (member namin na Mark Lester ang pangalan.) Siyempre handa na ako sa pag-smile sa camera...tapos biglang sa tabi ko ay may isang bata.....'sakto sa assignment ko kay Direk Cesar, ganito ang gusto nyang tema." Di ako nag-aksaya ng panahon at kinausap ko ang bata.....

 
Copy of IMG_0233 Nung simula maganda ang usapan. Tapos na daw siyang maligo at hinihintay nya na lang ang kapatid nya na matapos. Inisip ko na may kasama silang dalawa dahil sa dami ng tao dun, malamang isa dun ay kapatid o magulang nila. Marami akong tanong noon pero natatakot ako sa pwede nyang isagot sa akin. Habang nag-uusap kami may batang babae na tumatawag sa akin. At pag tingin ko sa baba...nandun ang bata at mahigpit ang kapit sa bato para di siya mahulog. Yun ang kapatid ng kausap ko (na ayaw ibigay ang pangalan). Natakot ako para sa batang babae na baka mahulog. Inakala ko na ang mamang nasa tabi niya ay ang kanilang tatay (hindi pala) , kung kaya't agad ko tong tinawag para i-akyat ang bata.....Nakita kong may hawak ding bente pesos nang bata....nabigyan ni Mayor! Sa pagtatapos ng maikling usapan. Tinanong ko siya kung nasan ang magulang nila....ito lang ang malutong na sagot ng bata "'tang ina mo, pakelam mo ha?"

 

Hindi ko inakala na ganon ang huling sasabihin nya. Pero naintindihan ko...Ano nga ba ang pakielam ko sa kung nasan ang magulang nCopy of IMG_0234ya?

Marami sa mga batang tulad niya ang ganito na mag-iisip. Na walang pakielam ang mga tao sa kung anong buhay meron sila. Alam ko na sa kabila ng mura at galit ng bata sa tanong ko...eto talaga ang gusto niyang sambitin...."matutulungan mo ba ako, kuya?"


Sana may magagawa ako sa mga ganitong pag-kakataon....


Wala akong ibang naisip kundi ang pag-dasal sila....

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Artista na ako?

posted last May 13, 2007

Isang nakakatuwang karanasan....100_3858

Isa sa mga kaibigan ko ang nag-alok na mag-bigay ako ng Acting Workshop sa ilang mga talents nya sa Kapuso Netrork (kahit alam nya na Kapamilya ako...he he he) Masaya dahil matagal ko narin tong hindi ginagawa.

Ang FACEgem Talent Agency ang may hawak sa amin. Then, one day, the owner, Tita Cynthia asked me kung interidsado daw ako to play a role for LUPIN( in case kapamilya ka, ang LUPIN ay and show ni Richard Gutierez na hango sa sikat na cartoon character na malamang LUPIN din ang pangalan....he he he he....). Oo agad ang sagot ng lolo mo siyempre, kahit di ko pa noon nasabi sa wife ko. 7 am ang call time ko nung first taping ko. saan? sa 22nd street comedy bar lang naman....sa antipolo! Eh nasa kabilang bahagi ako ng mundo nun.

janno-chock Pag dating sa set, aroound 6:45 am (ayaw ko ng late talaga)....si janno gibbs daw ang ka-eksena ko at floor manager ng isang club ang role ko....binigay ang script...kinabisa ng mabilis dahil konti lang naman. Sabi ng EP (Executive Producer) 8 am daw call time in janoo. Sabi ko "Ok lang po (extra lang naman ako no....pwde ba ako magreklamo?)"

8am...walang janno

9am...walang janno

10am...sabi ng PA (Prod Asst) parating na daw yung artista

11am...wala parin, si Boy2 Quizon (apo ni Dolphy) at sina Era Madrigal at Katrina Halili lang ang pinagmamasdan ko (asa ka pa na kakauasapin nila ako!)

12noon...ayun ang janno....nag-bihis...make-up....tapos kala ko take na! nank ng sampung bakang bading! biglang may sumigaw...lunch daw muna tayo! natuwa ako at first pero bigla kong naisip kung gaano ako katagal nag-hintay...parang 48 years ata yun!

1:30 simula na...totoo na to!

mabilis natapos ang taping dahil madali naman kaeksena si Janno...todong nakaka-tawa siya on and off cam...mabait at di suplado....buti nalang ganon at least na cover up ang inis ng paghihintay ko....

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Semper Optimus

I have to say that school year 2010-2011 was like a roller coaster ride…. nakakatakot, nakakakaba, minsan nakakasuka, pero after the ride, isang feeling lang ang talagang matatandaan mo….MASAYA!

IMG_0878

The ride was not that easy. When my principal informed me that I’ll be the class adviser of this batch, i was a bit nervous because I heard that they seem to have a bad reputation. Pero, bukod sa kaba, na-challenge din ako dahil, first time ko silang magiging estudyante. Sabi ko sa sarili ko, “susubukin nito ang pasenya ko, pero handa na ako.” After malaman na ako na talaga at wala ng bawian at urungan, naghanda ako. I started asking some teachers kung ano nga ba ang trip ng batch na ito. I also asked their previous adviser kung sino ang dapat kong abangan, ano ang ibig sabihin ng class motto nila, sino ang madalas na mag-absent at ma-late, etc. Nagulat ako sa dami ng narinig ko about them. After hearing all these, biglang naalala ko ang sinabi ng teacher ko noong college. “Don’t judge them according to what you see and hear from other people….give your students the time to prove themselves to you.”

First day ng class, tinignan ko silang mabuti, isa-isa…sino ang mga students na sinabi sa akin na dapat kong bantayan o “ingatan.” Pero habang pinagmamasdan ko sila, iba ang nakita ko. I saw that most of them are smiling and as if they are excited to see me in class. Sa isip-isip ko lang, “parang nakakita ng artista ang mga ito…ang sasaya ng mukha.” Then one student told me, na talagang they are looking forward to see me as their adviser. I did not waste any time and right there and then I laid all my expectations and my perception of their batch. I even asked them about the things they expected from me as their class advisers. We ended the day on a positive note. Saying that we will try our best to make this school year a year to remember. That they will know how it feels like to be a winner and to prove that they are not just a bunch of noisy and naughty boys. “This is not going to be easy,” I told them. But if they will trust each other, we can make all these possible. 

There were many instances that tested these boys, tardiness, vandalism, bullying, absences, failing grades, community service, name it they had it. But these does not stopped them. Despite all the challenges they managed to win several academic contests inside and outside the school. Maraming magagaling sa batch na ito pero parang hindi nila alam.

I always tell my boys that to teach is to learn twice. I must say that I really learned a lot from this batch as I teach them not only about History but also teach them about Life. Let me share them to all of you.

1. Natutunan ko kung paano maging masaya kasama ang mga kaibigan. Nakita ko kung paano nila alagaan ang isa’t isa. Nakita ko kung paano nila tulungan ang kaklase na walang pang-lunch o pambili ng materials para sa Work Ed project. Nakita ko kung paano nila alalayan ang kaklaseng may sakit papunta sa clinic. IMG_3324

2. Natutunan ko na mas masarap tumawa kung totoo ka sa iyong sarili. I will surely miss how Bryle Bae say “Goooooood Morning!!!!” Hindi dahil gusto niya lang magpapansin, kung di dahil alam ko na gusto niyang simulan ang araw nila ng masaya. Ang kakulitan nila sa tuwing advisory at History class hanggang sa mga practices and field trip sa Monark. Ang malutong na tawa ni Jacob Apale at nakakahawang ngiti ni Stephen Kahanap, ang mga corny pero tinatawanang joke ni Ron Aquino, ang mga high blood moments ni Jairo Ilagan. Lahat ng ito, nagpakita na di masama ang maging totoo sa sarili.

 

IMG_47003. Unity in Diversity. Hindi lang pala sa Indonesia bagay ang motto na ito. Sa Batch 2012, nakita ko na sa kabila ng pagkakaiba-iba ng ugali nila, nagawa pa rin nilang magsama-sama para sa iisang hangarin. I admire them for working as a team para manalo sa choral interpretation during the Filipino Week (kahit marami pa rin ang may utang sa Malong na costume nila). Producing a children’s play “the monkey and the turtle” as their entry for the Panathenea Playfest , nakita ko kung paano sila nag-tiyaga at talagang nagtulong-tulong.

4. SEMPER OPTIMUS: Sa maraming pagkakataon nakita ko kung paano nila gawin at subukan ang sundin at tuparin ang kanila class motto. “Always the best.” Hindi naging madali para sa kanila ito at alam ko na pagdating nila sa 4th year, higit silang susubukin ng panahon. Alam ko, naniniwala ako na kakayanin nila ang kahit na anong daanan nilang pag-subok. Nakita ko sila kung paano sila tumayo sa kanilang pagkakadapa, nakita ko kung paano sila lumaban. Semper Optimus, batch 2012.

 

Thank for the roller coaster ride. Next year school year, I know that you’ll do great. Always remember to strive only for the best.

At kung ako ang adviser ng incoming third year……. Good Luck! LOL

Hanggang sa susunod na pagkikita!

Dragons

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Unang Hirit

Maraming beses na akong sumubok na gumawa ng blog site. Pero laging sa simula lang. Pakiramdam ko, di ko kayang i-maintain ang madalas na pagsusulat dahil na din sa dami ng mga ginagawa ko. Sa maraming pagkakataon, sinasabi rin ng asawa ko na si Princess na dapat meron akong sariling blog site para maibahagi ko ang kung ano man ang gusto kong sabihin patungkol sa kahit na anong paksa. Kamakailan lang nahilig din ako sa photography at nasobrahan at dahil paghawak ko si Rebel (pangalang ibinigay ko sa aking kamera) hindi ko mapigilan ang sarili kong kumuha ng kahit na anong nasa harap, likod, kanan o kaliwa ko. kasama sa trabaho, estudyante, bata sa kalye, drayber ng dyip, riles ng tren, tirang pagkain sa mesa, alikabok sa likod ng electirc fan, pati mga pusang gala sa isang kalye nakunan ko na din yata ng litrato. 


Kung iisipin kong mabuti, tama si Princess (ang aking forever). Dapat ko ngang simulan ito. Ginamit ko ang titulong "Outside The Classroom" dahil sa isang simple at obvious na dahilan... maraming bagay akong nakikita at natututunan sa labas ng silid aralan. Ako ay kasalukuyang nagtuturo sa PAREF Southridge School for Boys ng kasaysayan at naniniwala ako sa pamamagitan ng pagbabahagi ko ng mga bagay na nakikita ko sa labas ng klasrum, mas nabibigyan ko ng pagkakataon ang aking mga mag-aaral na tignan at suriin ang mga bagay sa ibang prespektibo. 

Bukod sa pagiging guro sa klasrum, nagbabahagi din ako ng kaalaman kasama ang Rotaract Club of Manila Metro sa pamamagitan ng aming BIG KUYA project at ng aming S.I.K.A.P library. Sa kasalukuyan ako ay miyembro ng Rotary Club of Manila Metro (pinaka-batang miyembro...ehem...) at malaking pasasalamat na ako ang naatasan na tutukan ang mga proyekto ng aming mga mas nakababatang counterpart.

Sa mga susunod kong entries, susubukan kong ibahagi ang mga sinasabi kong bagay na nakita ko at kung ano ang aking interpretasyon sa mga ito.




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS