iamchockencabo. Powered by Blogger.
RSS

Si Boy Jumbo at Ako

 chcock16

Sino ba ang makakalimot sa’yo? Sa huling picture natin na ito, kitang-kita kung gaano mo ako kamahal. Hindi ko makakalimutan ‘to tay. Ang higpit ng hawak mo sa kamay ko at sinabi mo sa akin “lumapit ka pa sa akin, chor.”

12 years na ang nakalilipas pero parang kahapon lang. Gusto kong alalahanin ngayon kung paano mo kami inalagaan, pinagtanggol, at minahal.

Naalala mo ba nung panahon na nasa tayuman tayo? Nung nagkasakit ako at hindi mo ako kayang ipagamot. Kinausap mo ako at sinabi mo na kailangan mo ako ipasok sa Missionaries of Charity dahil duon maalagaan at mabibigyan ako ng gamot. Hindi ko makakalimutan kung araw ko duon na wala kayo ni Ate. Hindi ko makakalimutan ang regular na pagbisita mo sa aking tuwing sabado at may dala kang tocinong manok na alam kong pinag-ipunan mo every week para lang madalhan mo ako tuwing dadalaw ka. Natatawa ka pa nga kapag kinakain ko na siya agad kahit walang kanin.

 

Nung High School na ako, dun nasubok ko ang pasensya mo. Nabarkada ako at madalas hindi ako nagpapalam. Sama ng loob. Yan ang regalo ko sa’yo kadalasan. Buti na lang at hindi ka sumuko…hindi mo ako pinabayaan. Sa maraming pagkakataon na pinagagalitan mo, kahit kailan hindi ako nagalit sa’yo dahil sabi mo sa akin “ito lang ang paraang alam ko, para maitama ang mga mali mo….”

 

Isa sa mga bagay na pinagpapasalamat ko, Tay, ay yung araw na sinabi mong lilipat tayo sa Quezon, City. Sa bahay ni Tita Onding. Isa sa mga dahilan na sinabi mo sa akin ay kailangan nating lumipat para umayos ang buhay namin ni Ate. And you were right. Salamat dahil nakatapos kami ng pag-aaral. Nagkaroon kami ng maayos na buhay.

 

April 2000, ilang buwan bago ka nagpaalam, tinawag mo ako at pinaupo sa tabi mo sa paburito mong papag habang nakikinig sa paburito mong si Engelbert Humperdinck sa iyong jollibee na radyo. Kinausap mo ako, sabi mo “May kasalanan ako sa inyo na hindi ko alam kung paano ipaliliwanag….” sobrang napaisip ako noon. Sunod na sinabi mo ay kung magkakatrabaho na ako, pwede ka ng mawala. Hanggang sa huling sandali, ako, kami ang iniisip mo.

 

November 20, 2000. 5:00 am. Papasok ako sa trabaho. Nilapitan kita para magpaalam. sabi ko “tay, alis na po ako. uwi na lang po kami ng maaga para may kasama ka…” agad mong sinabi “uuwi talaga kayo ng maaga…..”

 

Habang nasa klase ako, bilang kumatok ang co-teacher ko at sinabing may tawag daw sa telepono….si Ate daw….biglang tumigil ang lahat. Iba agad ang naramdaman ko. Mula sa classroom ko sa 4th floor, feeling ko yung ang pinakamatagal kong pagbaba sa hagdan papuntang faculty room.

 

Pagpasok ko sa faculty room, parang lahat halos ng mga kasama ko nakatayo at hinihintay ang paghawak ko sa phone. Si Ate Grace nga sa kabilang linya…umiiyak…isa lang ang sinabi nya….”Chor, si tatay…..” Ang tanging nasabi ko…”sige ate, uwi na ako….”

 

Palabas ng school, lunch time, tinawag ako ng isang estuyante mula sa 4th floor. Sigaw ko ay, “uuwi ako, may date kami ng tatay ko….” Pilit kong pinipigilan ang nararamdaman ko… lumabas ako ng school na walang clue ang mga bata kung saan ako pupunta. Kung ano ang nangyari sa tatay ng teacher nila.

 

Pagsakay ko ng bus, sa pinakadulo ako umupo. duon, wala na akong nagawa. Umiyak ako….umiyak ng umiyak.

 

Sa tapat ng city hall ng Maynila ako bumaba, sumakay ng taxi kahit 50 pesos na lang laman ng bulsa ko. “Sa West Triangle, Manong.” sabi ko sa driver. Sa biyahe, muli akong umiyak na parang bata. Nakita kong tinignan ako ni Manong. Alam kong naramdaman din niya kung ano ang nangyayari.

 

Pinahinto ko ang taxi isang bahay bago ang gate namin. Pagdating ko sa gate, wala ang paburitong papag ni tatay….naaninag ko sa sala namin na pinasok nila ang papag. pagpasok ko, nakita ko na nakatakip ng kumot si si tatay. Parang gumuho ang mundo ko…Wala ang maggawa.wala akong masabi. Hinawakan ko ang kamay ni tatay saglit. Nilapitan ko ang Tita Dory ko para mag mano. May kausap sa telepono, ang funeral parlor daw na mag-aayos kay Tatay. Si Ate Grace naka-upo malapit sa kusina. Niyakap ko siya…mahigpit. “Ulila na tayo…” sabi nya. Hindi pa rin ako nagsasalita. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko…Ang alam ko lang ay tapos na ang paghihirap mo at kasama mo na SIYA.

 

Tay, sa huling sandali, inihanda mo kami. Nagpapasalamat ako sa lahat. Hindi mo man napaliwanag yung kasalanang sinasabi mo na nagawa mo sa amin. Hindi na mahalaga yun. Mula ng nawala ka, hinanap ko ang sagot sa mga kamag-anak, sa mga kaibigan mo pero walang nakapagbigay ng malinaw na sagot. Ngayon, alam ko na. Sapat na na inalagaan mo kami. minahal mo kami. pinagtanggol mo kami. Ano pa ba ang hahanapin ko?

 

Salamat, Tatay.

 

 

iamchockencabo…..anak ni boy jumbo

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Moving Stills

in your eyesI always admire people who are able to capture images that tell stories.  Now that I am starting to learn photography, I always try my best to capture moments that will move people who’ll see my work. This set is from my trip to Chinatown in Bindondo, Manila during the Chinese New Year Celebration. I already posted this in my facebook page (www.facebook.com/chockencabo), but because I wanted to go back to writing blogs, I decided to post this again to start my new set of stories.

 

I hope that these moving stills will tell stories and will make an impact in our hearts and minds.

 

_MG_9565

“Isa sa pinaka malungkot na yugto sa buhay ng tao ay ang panahon ng pag-iisa.”

_MG_0195

_MG_9968

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

“Pagluha ang kanilang paraan para sabihin ang kanilang nararamdaman.”

_MG_9574_MG_9610_MG_9635

Sa Bisig ni Tatay alam ko na ako ay ligtas. Ako ay panatag.

_MG_9926

“Pananlig ang siyang sandigan.”

_MG_0184_MG_9607_MG_9892_MG_9965

“Sa kanilang mga mata makikita ang tunay na kulay ng buhay.”

_MG_9973

“Ina, masdan mo ang iyong anak.”

_MG_9795_MG_9797

“Salamat sa mga panahon na ako ay iyong inalagaan. Ngayon hayaan mong ako naman ang gumawa nito sa iyo.”

 

real.people.real.stories.

iamchockencabo

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Isang Hiling

 

_MG_7965

My wife, Princess, was the one who introduced me to  St. Pio od Pietrelcina or Padre Pio. Last Thursday, we visited his chapel in Libis, Quezon City. We heard stories about people visiting this chapel praying for different things and just like them, I want to see the place para humiling.

Maaga kaming umalis sa Alabang, 7am kasama ang isa naming kaibigan. When we reached the place, inakala naming mahihirapan kaming makita siya pero hindi. Nakapa-daling puntahan ng chapel niya sa Libis. Maraming tao ang nasa harapang ng chapel, nakapila at naghihintay na makapasok sa loob.

May anong kaba sa puso ko when we entered pero kabang hindi nakakatakot kundi kaba na masaya. Ang daming tao sa loob. Nakaluhod, nakatayo, naglalakad, nagbabasa, nagbubulungan, nagdadasal. 

_MG_7938

Nawala ang kaba pag-upo namin. Maraming tao pero parang bilang tumahimik. Nakatingin ako sa altar at sinumulang magdasal. Sa muling pagkakataon, nagdasal ako na parang bata. Sinabi ko sa Diyos ang mga bagay na nasa puso ko, Lahat sinabi ko sa Kanya. Matapos ang aking pagdarasal, muli akong umupo sa tabi ni Cess. Hinawakan ko sandali ang kamay nya at alam niya na kung ano ang gusto kong sabihin.

Inikot ko ng tingin ang paligid ng chapel at sabi ko sa sarli ko “Ano kaya ang ipagdarasal nila?” Then saglit kong pinikit ang mga mata ko at muling nagdasal.

Sa araw na ito, masasabi kong pinakinggan ako ni Padre Pio at ng Diyos. And I am truly thankful for this life that He gave me. At kung ano man ang hiniling ko, alam ko that in His time, ibibigay niya ito sa akin.

LiveJournal Tags: ,,,,

_MG_7944

Prayer of Pope John Paul II to St. Pio of Pietrelcina
Pope John Paul II recited this prayer
on the occasion of the canonization of Padre Pio, June 16, 2002


   Teach us, we pray, humility of heart,
   so that we may be counted
   among the little ones of the Gospel
   to whom the Father promised to reveal
   the mysteries of His Kingdom.
   Help us to pray without ceasing,
   certain that God knows what we need
   even before we ask Him.
   Obtain for us the eyes of faith that will help us recognize
   in the poor and suffering, the very face of Jesus.
   Sustain us in the hour of trouble and trial and, if we fall,
   let us experience the joy of the sacrament of forgiveness.
   Grant us your tender devotion to Mary,
   mother of Jesus and our Mother.
   Accompany us on our earthly pilgrimage
   toward the blessed Homeland,
   where we too, hope to arrive to contemplate forever
   the Glory of the Father, the Son, and the Holy Spirit.    Amen

_MG_7945

_MG_7947

_MG_7949

_MG_7951

 

For more prayers visit: http://www.padrepiodevotions.org/pioprayers.asp

read this blog about the Padre Pio Chapel:http://www.berkatrice.com/2008/07/st-pio-chapel-in-libis-quezon-city.html 

my wife’s blogsite: http://scribblesonair.blogspot.com/

For mass schedules, visit www.saintpiocenter.com

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

When I Hear You Call

Title: When I Hear You Call, Artist: Gary Valenciano, Album: Rebirth, Label: Universal Records, Released: 2008, Number of Tracks: 15
When I Hear You Call


When I look into those bright eyes
So young, always so ready to run
Then I see your change when fun subsides
And new colors start to arise
There’s a hidden picture
That wasn’t seen outside
Chorus:
When you don’t tire
Keep on reaching higher
Even (when/if) the pain and trouble bring you down sometimes
I will see you through
I’m forever right here with you
Even (when/if) you feel you don’t need me around
I will be your friend forever
I will be your (one) big brother
Even when I see you fall
I will be your Father
When I hear you call
Don’t cry
This is not the end nor goodbye
But begin to know I’m with you ’til the end
And when you pray
I will hear every word you say
And so with all my promises made
For one like you
Someone who’s been especially made
Repeat Chorus

I always love listening to the music of Gary Valenciano. Lahat ata ng kanta niya, memorize ko na. This song is one of my favorite songs sa lahat ng kanta nya. But this is not about the whole song nor Gary V. I want to start my story by using the message of this beautiful and moving song of Mr. Pure Energy.
 
Noong bata ako iniisip ko na nagdadasal lang ako kapag may kailangan ako, kapag birthday ko, kapag pasko at kapag birthday ng tatay ko. Ang pamilyang kinagisnan ko ay hindi ganoon ka-relihiyoso. Naalala ko na minsang dalhin ako ni tatay sa Antipolo para magsimba sa at bumili ng kasoy pag-uwi. Naalala ko din twing fiesta ng Nazareno, excited akong sumama kay Nanay Poyeng (ang ninang ko na nag-alaga din sa akin) hindi para magsiba, kundi para ibili nya ako ng Rambo na tsinelas at Voltes V na shorts sa quiapo. Noong grade school pa lang ako lagi ako sa simbahan dahil member ako ng choir. Nandun ako para makalibre ng voice lessons higit sa dahilan na gusto kong magsimba….
Nang dumating ang araw na nagkaroon ako ng TB dahil nahawa daw ako kay tatay, biglang may kung anong hangin ang umihip at biglang nagbago ang lahat.
 
My father said na hindi kakayanin ang pagpapagamot sa akin. Ang hirap din humingi ng libreng gamot sa Jose Reyes Hospital. Isang kapitbahay namin ang nag mungkahi na ipasok ako sa Missionaries of Charity Home of Joy for the Sick Children. Whaaaaaat? Ipapasok nila ako sa ampunan? Natakot ako ng sobra dahil hindi ko naisip na aabot sa puntong yun ang desisyon ni Tatay. Sabi niya “Hindi ka namin ipapaampon, chor. Dadalhin ka namin dun para mas maalagaan ka. Hindi kaya ni Tatay eh…wala tayong pera. Sandali lang yun saka malapit lang dito yun. Lagi ka naming dadalawin ng ate mo….” sabay yakap sa akin ng maghigpit.
photo
"chor, kailangan"- Tatay
Mabilis ang mga pangyayari. Wala pang one week, dinala na nila ako sa Missionaries. Si Ate Grace, nakita kong umiiyak. Si Tatay nakatingin lang sa akin at hindi ko mabasa ang nasa isip nya. Kasama nilang naghatid ang ilang mga pinsan at kalaro ko. Isang kanto lang ang layo ng Missionaries sa amin pero parang ang haba ng nilakad namin. Ayoko pero sabi ni Tatay kailangan. Nakinig ako….
 
Pagpasok namin sa loob ng missionaries, tahimik. Tatlong madre ang sumalubong sa amin. Inabot ang bag ko ng isang madre. Ang isa naman ay iniabot ang kamay niya sa akin sabay sabing “halika na…” Parang teleserye ang sumunod na mga eksena... slow motion ang lahat….. umiiyak ako habang nagpapaalam kay ate at sa mga pinsan at kalaro ko. Yumakap ako kay tatay at sabi ko sa kanya “Tay, ayoko dito….uwi na lang tayo ulit, tay.”
 
Ilang araw din ako noong di makatulog dahil, natatakot ako. hindi ko kilala ang mga batang kasama ko at marami sa kanila ang mas grabe pa ang sakit kaysa sa akin. May leukemia, cancer, epilepsy, sakit sa puso. First time kong malayo sa pamilya ko kaya hindi ko alam kung paano ako kikilos sa bagong mundong ito.
 
Lumipas ang mga araw at napapansin kong mas lalo akong humihina. Isang araw sinabi sa akin ni Sis Perla (na sana makita ko siya ulit) na kailangan ko ng tumigil sa pag-aaral dahil hindi kakayanin ng katawan ko. Sabi daw ng doktor na tumitingin sa amin ng regular, bukod sa tuberculosis, malnourished din daw ako. Lalo pa akong nakumbinsing huminto sa pag-aaral dahil umabot sa punto na hirap na akong maglakad at minsan kailangan ko ng gumamit ng wheel chair. Ilang buwan din na ganoon ang naging kalagayan ko. 
 
Sa loob ng charity lahat ng bagay na gagawin naka-schedule. 5:30 am gigising, liligpitin ang tulugan, maliligo. 6:00 sabay-sabay na magdadasal bago ang almusal. After kumain, pipila kami sa harap ng altar, ibibigay nila sister ang mga gamot ng bawat bata then may short prayer bago inumin ang gamot. Pagtapos ng pag-inom ng gamot, balik kusina ang iba para tumulong sa paghuhugas ng pinagkainan namin, ang iba ay pupunta sa likod para maglaba, ang iba naman ay maglilinis, ako madalas sa grupo ng mga batang hindi dapat mabigat ang trabaho. Pupunta kami sa kuwarto kung saan nandun ang mga sanggol na may sakit o iniwan sa labas ng gate ng missionaries. Dito, tumutulong kami sa pagpapakain sa kanila, pagpapalit ng lampin o pagpapainom ng gamot. Dito din nila unang naring na marunong pala ako kumanta. Madalas ipakanta sa akin ng May Bukas Pa ni Leo Valdez (Oo, nauna ako kay erik santos. hahahahahaha).
 
Tuwing sabado, may dalaw kami mula sa mga kapamilya namin. Madalas marami din sa amin ang walang bisita. Pero ako ang isa sa mga pinaka masayang bata kasi laging higit sa lima ang bisita ko. Hindi ko makakalimutan ang dala ni tatay tuwing bibisita siya. Tinapay ay isang tucinong hita ng manok. Alam kong hirap si tatay na mag delihensya ng pambili ng tocino pero lagi siyang may dala-dala.  Sa tuwing matatapos ang oras ng pagbisita, walang humpay ang iayakan naming mga bata. Ayaw naming matapos ang araw na yun.
 
Binilang ko ang mga araw na maging linggo ang bawat linggo na maging ilang buwan….isang taon at kalahati ako sa loob ng missionaries. Ang lagi kong tanong ay kung kailan ako uuwi…
chock12
Ang mga kasama ko sa Missionaries. Ang mga may letra sa damit at ang ilan lang sa mga nalala kong mga pangalan. Ito ang nagiisiang picture ko na kasama sila. Kuha ito sa Luneta. (Oo ako yung Justin B. ang bangs na may letter M.)
Araw ng pasko taong 1990, pagkasing ko at pagtapos gawin ang mga naka-toka sa aking gawain, pinatawag ako ni Sis. Perla. Pagpasok ko sa opisina nya, kinabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit nya ako pinatatawag. Nakangiti siya ng sabihin nya sa aking “Bakit hindi ka pa bihis? Ihanda mo na ang mga gamit mo dahil uuwi ka na ngayon….” Napayakap ako kay sister at napaiyak din sa sobrang saya. Agad akong tumakbo pabali sa kuwarto namin. Nagtaka ang mga kasama kong sila Toyang, Faye, Emman, Inday, Jay at Ate Tess dahil tumatalon ako sa tuwa. Bigla akong natigilan ng tanungin nila ako kung bakit ko inaayos ang mga gamit ko. Si Emman biniro pa  ako na lilipat daw ako sa Boys Town sa Cavite dahil makulit ako. Nang sabihin kong uuwi na ako, umiyak si Ate Tess, si Toyang at ang iba pang mga kapatid ko sa missionaries.
 
Hinatid nila ako hanngang sa gate ng missionaries at nangako ako na babalik ako dun para bisitahin sila.
 
Noong unang araw na dalhin ako sa missionaries parang ang haba ng nilakad namin, pauwi parang ilang hakbang lang nasa bahay na ako. Alam ni Tatay at ni Ate na uuwi ako kaya may dalawang hita ng manok na tocino sa lamesa namin. Meron pang kasamang orange juice.
Niyakap ako ni Tatay ng mahigpit sabay sabing “kamusta ka na, chor?”
 
Sa bahaging ito ng buhay ko, isa lang ang natutunan ko. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Sa lahat ng pagkakataon, nandiyan Siya naghihintay…nakikinig.

IMG_6564

Ang Missionaries of Charity at matatagpuan sa Tayuman Tondo Manila in front of the Immaculate Concepcion Church.

LiveJournal Tags: ,,,

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Batang Lansangan….

Naalala ko si Bb. Pizarro. Siya ang Filipino teacher namin sa Jose Abad Santos High School na nag-train sa akin sa larangan ng talumpati, sabayang pagbigkas at balagtasan. Isang stage play ang ginawa namin noon tungkol sa mga street children and until today, memorize ko pa rin ang tula na tinuro nya sa amin.

 

balagtasan 1

Ms. Pizarro is the one wearing a green blouse. Ninang ko din siya sa kasal. Kita mo ba yung batang kulot at payat? Oo, ako nga yan!

 

BATANG LANSANGAN

_MG_7393

Batang langsangan…

Lumalaboy, walang patutunguan.

Ang bangketa ang overpass ang aming tahanan.

Sa lamig ng gabi, dyaryo’t karton lang ang aming higaan.

Ni walang pampainit sa giniginaw naming mga katawan.

Heto kami, marumi, mabaho, natutong magbisyo…

Kinukundena ng malinis na mundo

_MG_7390

 

Sino nga ba ang interisado,

na kami ay handugan ng tunay na serbisyo?

Wala….Meron….

Ah…Baka sakali, ang gobyerno

baka sakali, ang simbahan…

baka sakali…..

Kayo?

_MG_7394

_MG_7395

Ang mga larawan ng mga batang ito ay aking nakuha sa aking paglalakad sa Sta. Cruz Manila. Hindi nila alintana ang dumi ng tubig na nasa fountain sa tapat ng simbahan.

_MG_7389

 

iamchockencabo

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Sa tingin ko lang…

May ilang mga bagay tayong nakikita araw-araw pero hindi natin napagtutuunan ng pansin. Pero kung lalapitan at susuriing mabuti, meron itong kakaibang katangian na iyong hahangaan.

 

bato at bakal 

“Bakal at Bato”

Kuha sa PNR malapit sa Makati

IMG_2885

“Kokorokok”

Ang mga manok sa Bluroze Farm

IMG_4529

“Isang Katok”

Isang bahay na luma sa Taal, Batangas

IMG_4540

“Liwanag at Panalangin”

Sa labas ng simbahan sa Taal, Batangas

IMG_6094 

“Ano ang kulay ng buhay?”

Lampara sa Calleruega

IMG_7902

“Isang Kagat”

Pinipig Ice cream sa Sabah, Malaysia

IMG_4959

“Lumang Tambayan”

Isa sa maraming bahay ng pamilya Puno sa Calatagan, Bantangas

IMG_7676

“Pagkatapos ng Ulan”

Isang lumang kubo sa isang park sa Sabah Malaysia

IMG_73051

“Araw sa Casa”

Sa isang pader ng mga bahay sa napaka-gandang Casa San Pablo

IMG_8693

“Sa ibabaw ng mga bato”

Mga lalagyan ng kandila sa Hacienda Isabella

IMG_8674

“Mga Sagwan ni Kuh”

Sa isang pasilyo ng Hacienda Isabella na pagmamayari ni Kuh Ledesma

IMG_8751

“Kandelabra”

Stand para sa mga kandila sa chapel ng Light of the Word Retreat House sa Silang Cavite

IMG_5764

“Sa ilalim ng mga Salamin”

Ito ang bubungan ng isang overpass patungong glass museum sa Tacoma,Washington

IMG_5809

“Proud Halaan”

Tinda sa famous Seattle Public Market sa Washington

IMG_9889 

“Red Bangka”

Isang bangka sa Loboc River sa lalawigan ng Bohol

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

Isang Pitik…Isang Mensahe.

 

When my friend Paul “Koy” Aquino introduced me to photography, hindi na ako tumigil. When we went to the US para GSE program ng Rotary International, dun ko nabili ang una kong DSLR Camera na pinangalanan kong Rebel. Ipinapaalam ko pa sa aming kabiyak ang pagbili dahil hindi mura ang camera na gusto ko. Nuong simula basta kuha ng kuha…kahit ano, relo, pagkain sa plato, alikabok sa ibabaw ng tv, sapatos….lahat na ata nakunan ko na para lang matuto.

Mga larawan ng mga taong kakilala ko at di ko kilala ang koleksyon na ito. Isang pitik…isang mensahe.

Feel free to post your comments. Enjoy.

IMG_5046

“Si Koy”

Isang kaibigan na totoo sa maraming bagay. Salamat at nakakita ako sa iyo, kay Van, Ate Ge at Ken ng mga kapatid. Maraming Salamat sa iyong pagbabahagi ng kaalaman mula sa photography hanggang sa buhay. Sobrang dami kong natutunan sa inyo mga Koy at Ate. Hanggang sa muli nating pagkikita.

IMG_8546 

“Bunso”

She is our sunshine. There’s no dull moment when your with Jen. Cess and I love her kahit bihira nya kaming bisitahin sa Alabang. I admire how she makes people happy. Her cheerfulness brings light sa lahat ng makakasama siya.

IMG_4538

“Paghihintay”

Sa dami ng lugar na napuntahan ko, laging may isang bata akong nakikita na tila naghihintay. Tulad ng batang ito, sa Taal Batangas, isang supot na may lamang mga kandila ang dala-dala. Naghihintay sa kanyang Nanay na nagtitinda sa harap ng simbahan. Sa kanyang mga mata nakita ko ang sagot sa tayong kung bakit siya naghihintay. Tulad ng lahat sa atin, naniniwala siya na sa paghihintay na ito ay may pag-asang paparating. Kailangan lang ay maniwala.

IMG_6041

“Para kay Lola”

I admire how my relatives in Tacoma, Washington preserved Filipino values. When I met them for the first time in 2009  kala ko mahihirapan ako dahil iba ang mga kinalakhan namin lugar. Bukod sa pagdugo ng ilong ko kaka-english, lupang sinilangan lang pala ang pinaka-iba namin. Magalang ang mga bata and the they still practice what a typical filipino kid do. They love adobo, they know their family history, they still call me kuya (kahit uncle nila ako), They respect the elders, they love their siblings. Kung sila na nasa ibang bansa ay ganito, bakit maraming batang pinoy na nasa Pinas ang nagpupumilit na maging kamukha  sa kilos at sa pag-iisip ng mga american teen superstars!?

IMG_7595

“Isang Ngiti”

Para sa mga volunteers, wala ng mas maganda pang kapalit kundi ang makitang naka-ngiti ang mga batang tulad nila. Sapat na ang isang ngiti para mapawi ang pagod at para masabing may mabuti akong nagawa para sa aking kapwa ngayon.

IMG_0332

“Gitna ng Dagat”

Ano ang tinatanaw ng batang ito sa malayo? Doon kaya naghihintay ang kanyang mga magulang o doon siya papunta at papalayo sa kanyang mga magulang? Hindi ko din alam ang sagot. Ang tanging panalangin ko ay sana wala ng bata na kailangang maglayag sa gitna ng dagat ng nag-iisa…

IMG-8492

“Pasan”

Tignan mo ang kanyang mga mata….at sabihin mo sa akin kung bakit kailangan niyang pasanin ang mga problemang hindi niya pa lubusang nauunawaan. Iinom ako ng buko para mapawi ang aking uhaw pero paano ang kanyang uhaw sa pag-aaruga ng magulang at pananabik na makapaglaro tulad ng ibang bata?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS