iamchockencabo. Powered by Blogger.
RSS

Isang Pitik…Isang Mensahe.

 

When my friend Paul “Koy” Aquino introduced me to photography, hindi na ako tumigil. When we went to the US para GSE program ng Rotary International, dun ko nabili ang una kong DSLR Camera na pinangalanan kong Rebel. Ipinapaalam ko pa sa aming kabiyak ang pagbili dahil hindi mura ang camera na gusto ko. Nuong simula basta kuha ng kuha…kahit ano, relo, pagkain sa plato, alikabok sa ibabaw ng tv, sapatos….lahat na ata nakunan ko na para lang matuto.

Mga larawan ng mga taong kakilala ko at di ko kilala ang koleksyon na ito. Isang pitik…isang mensahe.

Feel free to post your comments. Enjoy.

IMG_5046

“Si Koy”

Isang kaibigan na totoo sa maraming bagay. Salamat at nakakita ako sa iyo, kay Van, Ate Ge at Ken ng mga kapatid. Maraming Salamat sa iyong pagbabahagi ng kaalaman mula sa photography hanggang sa buhay. Sobrang dami kong natutunan sa inyo mga Koy at Ate. Hanggang sa muli nating pagkikita.

IMG_8546 

“Bunso”

She is our sunshine. There’s no dull moment when your with Jen. Cess and I love her kahit bihira nya kaming bisitahin sa Alabang. I admire how she makes people happy. Her cheerfulness brings light sa lahat ng makakasama siya.

IMG_4538

“Paghihintay”

Sa dami ng lugar na napuntahan ko, laging may isang bata akong nakikita na tila naghihintay. Tulad ng batang ito, sa Taal Batangas, isang supot na may lamang mga kandila ang dala-dala. Naghihintay sa kanyang Nanay na nagtitinda sa harap ng simbahan. Sa kanyang mga mata nakita ko ang sagot sa tayong kung bakit siya naghihintay. Tulad ng lahat sa atin, naniniwala siya na sa paghihintay na ito ay may pag-asang paparating. Kailangan lang ay maniwala.

IMG_6041

“Para kay Lola”

I admire how my relatives in Tacoma, Washington preserved Filipino values. When I met them for the first time in 2009  kala ko mahihirapan ako dahil iba ang mga kinalakhan namin lugar. Bukod sa pagdugo ng ilong ko kaka-english, lupang sinilangan lang pala ang pinaka-iba namin. Magalang ang mga bata and the they still practice what a typical filipino kid do. They love adobo, they know their family history, they still call me kuya (kahit uncle nila ako), They respect the elders, they love their siblings. Kung sila na nasa ibang bansa ay ganito, bakit maraming batang pinoy na nasa Pinas ang nagpupumilit na maging kamukha  sa kilos at sa pag-iisip ng mga american teen superstars!?

IMG_7595

“Isang Ngiti”

Para sa mga volunteers, wala ng mas maganda pang kapalit kundi ang makitang naka-ngiti ang mga batang tulad nila. Sapat na ang isang ngiti para mapawi ang pagod at para masabing may mabuti akong nagawa para sa aking kapwa ngayon.

IMG_0332

“Gitna ng Dagat”

Ano ang tinatanaw ng batang ito sa malayo? Doon kaya naghihintay ang kanyang mga magulang o doon siya papunta at papalayo sa kanyang mga magulang? Hindi ko din alam ang sagot. Ang tanging panalangin ko ay sana wala ng bata na kailangang maglayag sa gitna ng dagat ng nag-iisa…

IMG-8492

“Pasan”

Tignan mo ang kanyang mga mata….at sabihin mo sa akin kung bakit kailangan niyang pasanin ang mga problemang hindi niya pa lubusang nauunawaan. Iinom ako ng buko para mapawi ang aking uhaw pero paano ang kanyang uhaw sa pag-aaruga ng magulang at pananabik na makapaglaro tulad ng ibang bata?

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

1 comments:

Unknown said...

Koy! hehehe

ako'y lalong humahanga sa yo habang tinititigan ko isa-isa ang mga larawang kinuha mo. humanga ako sa mga angulo at mga kulay ng iyong mga kuha at ako'y nabighani sa kagandahan ng iyong mga larawan. sa hindi inaasahan ay parang mayroong isang taong tila kilala ko sa iyong mga larawan – sa umpisa ay parang pamilyar sa akin ang isang taong yun at pamilyar din ang kulay ng damit. at iyon na nga! ako pala iyon! hahahaha. Ni hindi ko na matandaan kung kelan iyon nakunan. Mukhang noong nasa san Francisco ata yun larawang iyon.

napakaganda ng mga larawan mo at ako'y napahanga mo. at laking gulat ko noong mabasa ko ang munting paglalarawan mo doon sa akin. Isang napakalaking karangalan na ika’y na inspire ko para linangin at pag-igihin pa ang iyong interes sa larangan ng kodakan. Pihado akong alam mo ang nararamdaman ng isang guro kapag ang mag-aaral nya ay naging magaling sa araling naituro. Sa ganang atin, ikaw ay mas magaling na kesa sa akin sa kodakan. Hehehe. Nawa ay ipagpatuloy mo ang nasimulang gawain at nawa ay maging isa itong kasangkapan para sa pagtulong sa mga kapatid nating nangangailangan at sa ikakauulad ng sambayanan, hehehe.

Sa susunod ay turuan mo na ako kung paano gamitin ang photoshop. Hehehe. Hanggang sa susunod.

Post a Comment