Title: When I Hear You Call, Artist: Gary Valenciano, Album: Rebirth, Label: Universal Records, Released: 2008, Number of Tracks: 15
When I Hear You Call
When I look into those bright eyes
So young, always so ready to run
Then I see your change when fun subsides
And new colors start to arise
There’s a hidden picture
That wasn’t seen outside
Chorus:
When you don’t tire
Keep on reaching higher
Even (when/if) the pain and trouble bring you down sometimes
I will see you through
I’m forever right here with you
Even (when/if) you feel you don’t need me around
I will be your friend forever
I will be your (one) big brother
Even when I see you fall
I will be your Father
When I hear you call
Don’t cry
This is not the end nor goodbye
But begin to know I’m with you ’til the end
And when you pray
I will hear every word you say
And so with all my promises made
For one like you
Someone who’s been especially made
Repeat Chorus
I always love listening to the music of Gary Valenciano. Lahat ata ng kanta niya, memorize ko na. This song is one of my favorite songs sa lahat ng kanta nya. But this is not about the whole song nor Gary V. I want to start my story by using the message of this beautiful and moving song of Mr. Pure Energy.
Noong bata ako iniisip ko na nagdadasal lang ako kapag may kailangan ako, kapag birthday ko, kapag pasko at kapag birthday ng tatay ko. Ang pamilyang kinagisnan ko ay hindi ganoon ka-relihiyoso. Naalala ko na minsang dalhin ako ni tatay sa Antipolo para magsimba sa at bumili ng kasoy pag-uwi. Naalala ko din twing fiesta ng Nazareno, excited akong sumama kay Nanay Poyeng (ang ninang ko na nag-alaga din sa akin) hindi para magsiba, kundi para ibili nya ako ng Rambo na tsinelas at Voltes V na shorts sa quiapo. Noong grade school pa lang ako lagi ako sa simbahan dahil member ako ng choir. Nandun ako para makalibre ng voice lessons higit sa dahilan na gusto kong magsimba….
Nang dumating ang araw na nagkaroon ako ng TB dahil nahawa daw ako kay tatay, biglang may kung anong hangin ang umihip at biglang nagbago ang lahat.
My father said na hindi kakayanin ang pagpapagamot sa akin. Ang hirap din humingi ng libreng gamot sa Jose Reyes Hospital. Isang kapitbahay namin ang nag mungkahi na ipasok ako sa Missionaries of Charity Home of Joy for the Sick Children. Whaaaaaat? Ipapasok nila ako sa ampunan? Natakot ako ng sobra dahil hindi ko naisip na aabot sa puntong yun ang desisyon ni Tatay. Sabi niya “Hindi ka namin ipapaampon, chor. Dadalhin ka namin dun para mas maalagaan ka. Hindi kaya ni Tatay eh…wala tayong pera. Sandali lang yun saka malapit lang dito yun. Lagi ka naming dadalawin ng ate mo….” sabay yakap sa akin ng maghigpit.
|
"chor, kailangan"- Tatay |
Mabilis ang mga pangyayari. Wala pang one week, dinala na nila ako sa Missionaries. Si Ate Grace, nakita kong umiiyak. Si Tatay nakatingin lang sa akin at hindi ko mabasa ang nasa isip nya. Kasama nilang naghatid ang ilang mga pinsan at kalaro ko. Isang kanto lang ang layo ng Missionaries sa amin pero parang ang haba ng nilakad namin. Ayoko pero sabi ni Tatay kailangan. Nakinig ako….
Pagpasok namin sa loob ng missionaries, tahimik. Tatlong madre ang sumalubong sa amin. Inabot ang bag ko ng isang madre. Ang isa naman ay iniabot ang kamay niya sa akin sabay sabing “halika na…” Parang teleserye ang sumunod na mga eksena... slow motion ang lahat….. umiiyak ako habang nagpapaalam kay ate at sa mga pinsan at kalaro ko. Yumakap ako kay tatay at sabi ko sa kanya “Tay, ayoko dito….uwi na lang tayo ulit, tay.”
Ilang araw din ako noong di makatulog dahil, natatakot ako. hindi ko kilala ang mga batang kasama ko at marami sa kanila ang mas grabe pa ang sakit kaysa sa akin. May leukemia, cancer, epilepsy, sakit sa puso. First time kong malayo sa pamilya ko kaya hindi ko alam kung paano ako kikilos sa bagong mundong ito.
Lumipas ang mga araw at napapansin kong mas lalo akong humihina. Isang araw sinabi sa akin ni Sis Perla (na sana makita ko siya ulit) na kailangan ko ng tumigil sa pag-aaral dahil hindi kakayanin ng katawan ko. Sabi daw ng doktor na tumitingin sa amin ng regular, bukod sa tuberculosis, malnourished din daw ako. Lalo pa akong nakumbinsing huminto sa pag-aaral dahil umabot sa punto na hirap na akong maglakad at minsan kailangan ko ng gumamit ng wheel chair. Ilang buwan din na ganoon ang naging kalagayan ko.
Sa loob ng charity lahat ng bagay na gagawin naka-schedule. 5:30 am gigising, liligpitin ang tulugan, maliligo. 6:00 sabay-sabay na magdadasal bago ang almusal. After kumain, pipila kami sa harap ng altar, ibibigay nila sister ang mga gamot ng bawat bata then may short prayer bago inumin ang gamot. Pagtapos ng pag-inom ng gamot, balik kusina ang iba para tumulong sa paghuhugas ng pinagkainan namin, ang iba ay pupunta sa likod para maglaba, ang iba naman ay maglilinis, ako madalas sa grupo ng mga batang hindi dapat mabigat ang trabaho. Pupunta kami sa kuwarto kung saan nandun ang mga sanggol na may sakit o iniwan sa labas ng gate ng missionaries. Dito, tumutulong kami sa pagpapakain sa kanila, pagpapalit ng lampin o pagpapainom ng gamot. Dito din nila unang naring na marunong pala ako kumanta. Madalas ipakanta sa akin ng May Bukas Pa ni Leo Valdez (Oo, nauna ako kay erik santos. hahahahahaha).
Tuwing sabado, may dalaw kami mula sa mga kapamilya namin. Madalas marami din sa amin ang walang bisita. Pero ako ang isa sa mga pinaka masayang bata kasi laging higit sa lima ang bisita ko. Hindi ko makakalimutan ang dala ni tatay tuwing bibisita siya. Tinapay ay isang tucinong hita ng manok. Alam kong hirap si tatay na mag delihensya ng pambili ng tocino pero lagi siyang may dala-dala. Sa tuwing matatapos ang oras ng pagbisita, walang humpay ang iayakan naming mga bata. Ayaw naming matapos ang araw na yun.
Binilang ko ang mga araw na maging linggo ang bawat linggo na maging ilang buwan….isang taon at kalahati ako sa loob ng missionaries. Ang lagi kong tanong ay kung kailan ako uuwi…
|
Ang mga kasama ko sa Missionaries. Ang mga may letra sa damit at ang ilan lang sa mga nalala kong mga pangalan. Ito ang nagiisiang picture ko na kasama sila. Kuha ito sa Luneta. (Oo ako yung Justin B. ang bangs na may letter M.) |
Araw ng pasko taong 1990, pagkasing ko at pagtapos gawin ang mga naka-toka sa aking gawain, pinatawag ako ni Sis. Perla. Pagpasok ko sa opisina nya, kinabahan ako dahil hindi ko alam kung bakit nya ako pinatatawag. Nakangiti siya ng sabihin nya sa aking “Bakit hindi ka pa bihis? Ihanda mo na ang mga gamit mo dahil uuwi ka na ngayon….” Napayakap ako kay sister at napaiyak din sa sobrang saya. Agad akong tumakbo pabali sa kuwarto namin. Nagtaka ang mga kasama kong sila Toyang, Faye, Emman, Inday, Jay at Ate Tess dahil tumatalon ako sa tuwa. Bigla akong natigilan ng tanungin nila ako kung bakit ko inaayos ang mga gamit ko. Si Emman biniro pa ako na lilipat daw ako sa Boys Town sa Cavite dahil makulit ako. Nang sabihin kong uuwi na ako, umiyak si Ate Tess, si Toyang at ang iba pang mga kapatid ko sa missionaries.
Hinatid nila ako hanngang sa gate ng missionaries at nangako ako na babalik ako dun para bisitahin sila.
Noong unang araw na dalhin ako sa missionaries parang ang haba ng nilakad namin, pauwi parang ilang hakbang lang nasa bahay na ako. Alam ni Tatay at ni Ate na uuwi ako kaya may dalawang hita ng manok na tocino sa lamesa namin. Meron pang kasamang orange juice.
Niyakap ako ni Tatay ng mahigpit sabay sabing “kamusta ka na, chor?”
Sa bahaging ito ng buhay ko, isa lang ang natutunan ko. Hindi tayo pababayaan ng Diyos. Sa lahat ng pagkakataon, nandiyan Siya naghihintay…nakikinig.
Ang Missionaries of Charity at matatagpuan sa Tayuman Tondo Manila in front of the Immaculate Concepcion Church.