iamchockencabo. Powered by Blogger.
RSS

“@#%^&**+#@#, ANONG PAKELAM MO?!

Ito ay ilan sa mga naisulat ko noon na nagpakita ng ilan sa maraming bagay na nakikita outside the classroom. Posted last July 08, 2008 mula sa aking multiply site.

IMG_0236 Nung bata pa ako, may mga araw na dinadala ako ng tatay kong si Boy Jumbo sa Luneta para makpag-laro kami ng ate ko. Sabi nya kasi "Kesa, maghabulan kayo sa kalye...eh di sa luneta na para mas maluwag (sabay tawa)" Pag tapos mag-laro, sunod kaming dadalhin ni tatay isa pang lugar sa luneta na kung tawagin ay break water. Dito naliligo ang mga tao lalo na ang mga bata, para mawala daw ang hingal o hika....

Higit 20 years na nakaraan nung huli akong nakaligo sa break water ng Luneta....

2008, July 06, muli kaming dumalo sa taunang project ng Rotary 3810 na Manila Bay clean up drive. At sa pangalawang pag-kakataon nakita kong muli ang kalunos-lunos na kalagayan ng lugar. Tambak kung tambak ang mga basura dito at talaga namang di kakayanin ng mag-hapon na linisin ito.


Lalo na at present din si Mayor Lim ng Maynila na busy sa pamimigay ng bente pesos sa mga taong nakapaligid sa kanya. Halos di magkamayaw ang mga bata, sama mo na pati mga matanda, sa pag hila ng bente pesos sa kamay ni Mayor....hay.....


Sa kabilang banda, habang busy kami sa pag papa-picture at pg-hila ng mga sako ng basura, ilang tanong ang pumasok sa isip ko.
1. May pag-asa pa ba ang Manila Bay?IMG_0189
2. Bakit ang daming gusto humingi ng bente kay Mayor?
3. Bakit camera ang hawak at hindi basura?


Nang makaramdam kami ng init dahil black ang maganda naming tshirt. Nagkatuawan kaming magkulitan sa gitna na Roxas Blvd. at todo pictures talaga ang labanan. Halos maubos ang baterya (ng bago kong camera na may 10X zoom hahahaha....) At halos mangawit nag mga panga namin kakangiti at halos pulikatin kami kaka-tumbling at kakatalon.


Nag-yaya akong mag-pakuha ng picture malapit sa dagat para mas maramdaman ko ang simoy ng hangin (hmmmm). Sa aming pag-hahanap ng pwesto, biglang may nakita ang isang member namin na sidecar na may pangalang Mark Lester....sabi ko sige dun tayo tapos pakita natin kay Lester (member namin na Mark Lester ang pangalan.) Siyempre handa na ako sa pag-smile sa camera...tapos biglang sa tabi ko ay may isang bata.....'sakto sa assignment ko kay Direk Cesar, ganito ang gusto nyang tema." Di ako nag-aksaya ng panahon at kinausap ko ang bata.....

 
Copy of IMG_0233 Nung simula maganda ang usapan. Tapos na daw siyang maligo at hinihintay nya na lang ang kapatid nya na matapos. Inisip ko na may kasama silang dalawa dahil sa dami ng tao dun, malamang isa dun ay kapatid o magulang nila. Marami akong tanong noon pero natatakot ako sa pwede nyang isagot sa akin. Habang nag-uusap kami may batang babae na tumatawag sa akin. At pag tingin ko sa baba...nandun ang bata at mahigpit ang kapit sa bato para di siya mahulog. Yun ang kapatid ng kausap ko (na ayaw ibigay ang pangalan). Natakot ako para sa batang babae na baka mahulog. Inakala ko na ang mamang nasa tabi niya ay ang kanilang tatay (hindi pala) , kung kaya't agad ko tong tinawag para i-akyat ang bata.....Nakita kong may hawak ding bente pesos nang bata....nabigyan ni Mayor! Sa pagtatapos ng maikling usapan. Tinanong ko siya kung nasan ang magulang nila....ito lang ang malutong na sagot ng bata "'tang ina mo, pakelam mo ha?"

 

Hindi ko inakala na ganon ang huling sasabihin nya. Pero naintindihan ko...Ano nga ba ang pakielam ko sa kung nasan ang magulang nCopy of IMG_0234ya?

Marami sa mga batang tulad niya ang ganito na mag-iisip. Na walang pakielam ang mga tao sa kung anong buhay meron sila. Alam ko na sa kabila ng mura at galit ng bata sa tanong ko...eto talaga ang gusto niyang sambitin...."matutulungan mo ba ako, kuya?"


Sana may magagawa ako sa mga ganitong pag-kakataon....


Wala akong ibang naisip kundi ang pag-dasal sila....

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment