iamchockencabo. Powered by Blogger.
RSS

Teachers. Real. Stories. (part 1)

Never did I imagine myself becoming a teacher. When I was a kid, I always saw myself as a future movie actor like Christopher De Leon or a famous singer like Martin Nievera or Gary Valenciano.  Madalas yun lang ang laman ng isip ko dahil inisip ko na may posibilidad na hindi ako makatapos ng pag-aaral dahil “mahirap lang kami.”  o‘Mahirap lang kami” Ito ang lumang salita na ayaw na ayaw kong naririnig. Noon pagsinasabi ko to, nagagalit ang tatay ko. Ngayon, tuwing naririnig ko ito, naaalala ko ang mga sinabi ni Tatay. “Hindi dahilan ang kahirapan para tumigil kang abutin ang mga pangarap mo. Hindi dahilan ang kahirapan para isipin mong kawawa ka at maisip mo na hindi mo kaya o wala kang magagawa….” 

Saka na nati pag-usapan ang tungkol sa mga una kong sinabi. Balik tayo sa kung ano ang handa ko ng ikuwento. Ang seminar na pinuntahan ko nuong isang linggo……

From April 05 to 08, together with some teachers from my school, I attended the National Education Conference at the Manila Hotel. Higit sa 2500 teachers ang attendees ng conference na ito at talaga namang dinaig ang mga pila sa sinehan sa dami namin. At first medyo nakakagulat ang dami. Sa isip-isip ko, itong dami kaya naming ito ay magiging kasing dami ng matututunan namin?

DSC03518Upon registration, medyo naging madali dahil my speacial lane para sa aming mga invited ng FAPE (Fund for Assistance to Private School). Ang classic part ng registration na talagang nagpapangiti sa akin ay ang bibigay nilang seminar kit. Hindi nga ako nagkamali. Isang envelop ng mga handouts and program, isang ID at ang inaabangan ng lahat, mula sa isang sponsor na publishing house….. ang kulay orange na bag….matingkad na orange bag na bagay na bagay sa mga teachers ng all boys’ school.

Medyo di maganda ang pwesto namin nung first session dahil halos nasa likod kami. Buti nga lang at may 6 na malalaking screen sa paligid ng  venue. DSC03521Nagsimula ang program ng, off course, medyo late sa inaasahang simula. Ang magandang boses ng emcee ang nagpagising sa amin. Sabi nga ng isang kasama ko “Parang boses ng Hollywood  actor ang boses niya.”  Siya si Fr. Roderick Salazar Jr., SVD na Regional Secretary for Asia of International Office of Catholic Education. 

DSC03523 The first keynote speaker was DepEd Secretary, Hon. Armin C. Salazar Jr., SVD. In his talk he said that “learning takes place, many times, outside the classroom.” Bigla kong naalala yung high school pa ako…sinabi din sa amin yun ng teacher ko sa English na si Ms. Lagasca. Tinatawanan lang namin yung idea na yun noon dahil, literal namin siyang nararanasan….sa labas talaga kami ng classroom nag-aaral. “Ang totoo”, sabi ko noon, “wala lang talaga tayong classroom kaya dito tayo sa labas…palusot lang nila ma’am yung outside the classroom. hahahahahaha.”

Ako ay produkto ng public school system. Jose Rizal Elementary School sa Tayuman Tundo at malapit sa Pritil (palengke), Jose Abad Santos High School sa Binondo na ngayon ay isa ng mall na pag-aari ng mga intsik, at sa City College of Manila sa Escolta na ngayon ay may annex na malapit sa SM Manila. Hindi naging madali ang pag-aaral sa public school dahil talagang patibayan ng sarili dito. Iisipin mo kung kaya mo bang makipagsabayan sa mga dyip at mga trak para makatawid ka, makakapag-aral ka ba ng mabuti kung ang classroom mo amoy CR kahit na ilang classrooms pa ang pagitan bago ang lugar kung nasaan ang CR? Imagine yung mas malapit s CR ang room? Maraming pagsubok na pagdadaan para lang makuha ang diplomang pangarap mo at ng iyong buong angkan.

Ngayong nagtuturo ako sa isang paaralan na may magandang pasilidad, aircon classrooms, mabangong CR, maayos na cafeteria ilanag bagay ang naiisip ko. Bakit may mga estuyante akong nagrereklamo dahil mainit sa classroom? Bakit may nagsasabing madumi ang CR nila? Bakit sila nagtatanong ng ganito? Kung nakikita lang nila ang sitwasyon ng ibang mga estuyante, maiisip pa kaya nilang magtanong ng ganito?

Ilang mga teachers ang nakilala ko sa seminar na ito. Mga teachers na muling nagpalala sa akin kung gaano kalaki ang tungkulin at responsibilidad ang dapat naming gampanan para  aming mga mag-aaral. Iba-ibang mukha ng guro ang nakita at nakilala ko sa apat na araw ng seminar. Isa-isahin natin ang ilan sa kanila:

1. Dr. Adelantada Supladita y TaasKilay:

Siya ang guro na may doctorate degree, hindi basta-basta ang gurong ito dahil siya ay principal ng isang paaralan. Maganda ang cellphone niya at dalawa pa. Maganda ang damit, parang kurtina lang namin na bulaklakin. Pulang-pula ang lipstick at puting-puti ang mukha na tila nadapa sa isang plato ng harina. Kasama namin siya sa table at after magpakilala, deadma na kaming lahat. Nang magbigay ng group activity ang speaker mula pa sa amerika, sabi ng Dr. TaasKilay, “Oh hindi na ako sasali dyan ha? I will just obsere kasi hindi ko na trabaho yan di ba?”  Bigla na lang kaming nagkatinginan ng mga kasama ko sabay sabing “ok po ma’am.” Alam ko na medyo naiinis yung katabi kong teacher pero pinigilan nya ipakita dahil baka makagat siya ni Dr. TaasKilay.

2. Ms. Meme Munako:

Simula pa lang ng semiar, nakita ko na siya noong umupo siya sa silya sa harapan namin. Parang pagod na pagod eh di pa nga nagsisimula ang seminar. Madaming dala si teacher na para bang kakababa pa lang nya sa bus o barko na galing kung saang lalawigan. Umupo siya at tumingin muna sa kaliwa….sa kanan….sa likod at sa harap sabay yakap sa bag at yumuko. Nang pinatayo ang mga participants para awitin ang pambansang awit, nakita ko na lang na hindi kumukibo si Ms. Meme Munako…..hala….nakatulog ata si ma’am….. kalaitnaan ng aming pag awit, biglang may kung anong kumalampag….ayun si ma’am nagulat at biglang napatayo para humabol sa huling limang nota ng pambansang awit. Mabuhay ka ma’am!

3. Mr. Bong Nganga:

Sa kahabaan ng seminar, maka-ilang beses din kaming nabigyan ng mga workshop activities para higit na masigurado ang aming pagkatuto sa mga tinatalakay na mga paksa. Sa isang workshop ko nakilala si Mr. Bong Nganga!  Siya ang natapat na workshop facilitator ng aming grupo. Ok naman sana pero ang di ko masakyan ay ito…Habang nagsasalita ang aming speaker na expert sa UbD (Understanding By Design) na galing pa sa US of A, siya ring daldal ni Mr. Bong Nganga. Sinasabayan niya si Madam speaker na galing pa sa US of A! Sa paraan ng pagsasalita ni Mr. Bong Nganga para kaming mga tao na hindi nakakaunawa ng salitang galing pasa US of A! Parang gusto kong busalan ang bunganga ni Mr. Bong Nganga! kainis!DSC03565

4. Mrs. Pinky Reklamador:

Hindi talaga mawawala sa isang seminar o ano mang pagtitipon ang mga tulad ni Mrs. Pinky Reklamador.  Sa isang buong araw na nakasama ko siya wala kang maririnig na positibo sa kanya. “Ang init naman dito sa tent (isa sa mga venue ng seminar)”, “Ang tagal namang i-serve ng pagkain!” Ayan may food na (at ng buksan ang takip ng aming pagkain…) Ay ano ba yan!? Tuyot naman yung ulam, kulang sa sauce! Ang tigas ng kanin, di masarap ang desert, sana cake na lang…..” Anak ng kalabaw, wala na talaga siyang nakitang maganda! 

5. Mr. Richie Guinto:

Guro siya sa isang public school sa isang lalawigan na maraming tanim na pinya. Sa kanyang kwento, hirap ang school nila dahil tulad ng maraming schools sa Pilipinas, kulang sila sa classrooms, upuan, libro, walang bubong ang canteen, etc. Sabi nya, marami silang mga estudyante na madalas absent dahil walang perang pamasahe o pambaon. Pero sa kabila nito, kitang-kita kay Sir ang mga nagtatabaan at nagkakapalang mga gintong barcelet, kwintas at relo! Para siya tito ko na galing ng Saudi! Ayon sa kwento nya, 2 ang sasakyan niya at meron din daw siyang condo sa Makati. Kapatid daw siya ng isang opisyal sa kanilang lalawigan na maraming tanim na pinya. Sa isip ko lang “Sana hindi niya sinusuot ang mga alahas na ito sa klase at hindi niya kinukuwento kung gaano karangya ang buhay nya sa kanyang mga mag-aaral. Ano na lang ang klase ng pagpapahalaga ang maibabahagi niya kung ang tanging alam niya ay ipagmalaki ang meron siya. Hay Sir!

Hindi natatapos dito ang aking kuwento, higit pa sa unang limang teachers na pinakilala ko ang mababasa ninyo sa susunod. Mga guro na talagang kahanga-hanga.

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment