iamchockencabo. Powered by Blogger.
RSS

Unang Hirit

Maraming beses na akong sumubok na gumawa ng blog site. Pero laging sa simula lang. Pakiramdam ko, di ko kayang i-maintain ang madalas na pagsusulat dahil na din sa dami ng mga ginagawa ko. Sa maraming pagkakataon, sinasabi rin ng asawa ko na si Princess na dapat meron akong sariling blog site para maibahagi ko ang kung ano man ang gusto kong sabihin patungkol sa kahit na anong paksa. Kamakailan lang nahilig din ako sa photography at nasobrahan at dahil paghawak ko si Rebel (pangalang ibinigay ko sa aking kamera) hindi ko mapigilan ang sarili kong kumuha ng kahit na anong nasa harap, likod, kanan o kaliwa ko. kasama sa trabaho, estudyante, bata sa kalye, drayber ng dyip, riles ng tren, tirang pagkain sa mesa, alikabok sa likod ng electirc fan, pati mga pusang gala sa isang kalye nakunan ko na din yata ng litrato. 


Kung iisipin kong mabuti, tama si Princess (ang aking forever). Dapat ko ngang simulan ito. Ginamit ko ang titulong "Outside The Classroom" dahil sa isang simple at obvious na dahilan... maraming bagay akong nakikita at natututunan sa labas ng silid aralan. Ako ay kasalukuyang nagtuturo sa PAREF Southridge School for Boys ng kasaysayan at naniniwala ako sa pamamagitan ng pagbabahagi ko ng mga bagay na nakikita ko sa labas ng klasrum, mas nabibigyan ko ng pagkakataon ang aking mga mag-aaral na tignan at suriin ang mga bagay sa ibang prespektibo. 

Bukod sa pagiging guro sa klasrum, nagbabahagi din ako ng kaalaman kasama ang Rotaract Club of Manila Metro sa pamamagitan ng aming BIG KUYA project at ng aming S.I.K.A.P library. Sa kasalukuyan ako ay miyembro ng Rotary Club of Manila Metro (pinaka-batang miyembro...ehem...) at malaking pasasalamat na ako ang naatasan na tutukan ang mga proyekto ng aming mga mas nakababatang counterpart.

Sa mga susunod kong entries, susubukan kong ibahagi ang mga sinasabi kong bagay na nakita ko at kung ano ang aking interpretasyon sa mga ito.




  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment