iamchockencabo. Powered by Blogger.
RSS

CARPE DIEM!

another old blog that I want to share to all of you….. 

May mga pagkakataon na minsan parang feeling ko, gusto ko lang umiyak. (minsan sa tuwa, o minsan pag nakakaisip ka ng malungkot.) Isang manunulat ang nagsabi na okey lang namang umiyak minsan kasi sa paraang ito, nalilinis nito ang ating mga mata. Pero para sa akin hindi lang ito nakalilinis ng mata, mas madalas nakalilinis ito ng kalooban.

photoTuwing December, ganito ang pakiramdam ko...gusto kong umiyak...hindi dahil malungkot ako. Sa ganitong mga pagkakataon din, sinasabi ng aking mahal na asawa na dapat pag December hindi ako nalulungkot (Tama naman siya, di ba?) Noon madalas lungkot ang dahilan ng mga pa-iyak. Nasanay na kasi ako noon na tuwing pasko maraming tao sa paligid ko, yung tradisyonal na pasko, maraming pinsan, pamangkin, ninong at ninang. After my father died in 2000, medyo naiba ang ihip ng hangin. Lumipat ako sa isang boarding house kasama ang mga co-teachers ko sa unang school na pinag turuaan ko (wag na nating sabihin na Perpetual yung school sa Las Pinas) Then, that's the start of me celebrating Christmas na wala ang parents ko.

When I got married last May 27, 2005 , sobarang nag-iba ang pananaw ko. My wife, let me realized na hindi sa dami ng tao makikita ang tunay na kasiyahan. I have learned that in life we always have to know how to move on. I am lucky to have a very loving partner in life. Sobra ang suporta nya sa lahat ng ginagawa ko. She inspire to be the best person I can be. With her I have seen the importance of counting my blessings. Nakita ko kung ano ang mga tama at mali kong disisyon and she's always there to hold my hand. looking at you

Now that I am 29, I can say that I am growing as a person, kasabay narin ng paglaki ng akning katawan. Everyday I am learning. Sabi nga ng isang kanta... " You live, You learn, You cry, You learn." Walang masamang itinuturo ang karanasan ng isang tao, na kanya na lang ang desisyon kung anong aral ang dapat na tanggapin at gamitin. We commit mistakes pero normal lang yun. Ito ang magtuturo sa atin para makilala ang sarili natin.

I was 9 when my mother died... I was 11 when I stopped from schooling and stayed in an orphanage, the Missionaries of Charity Home of Joy for the sick Children (ang haba)... I was 12 when I became part of a foundation and finished Elementary and High School under the scholarship of the Charles Gorrisen Foundation. I have seen how my father asked  favor from our relatives for us to have food on our table. I have seen my eldest sister cried because she can't go to school because we have no money. I have experienced selling "bibingka" for me to play the family computer with my friends. Sa lahat ng mga karanasan na ito, may mga pamamaraan ang Diyos para hindi namin maramdaman ang bigat ng bawat pagsubok. May mga tao na tumulong at nagbahagi ng kanilang sarili para sa amin. I have learned the value of saying thank you sa lahat ng pagkakataon.

7 kuya Sa isang project namin sa Rotaract Club of Manila Metro, na tinatawag naming The Big Kuya Project. Nakikita ko ang sarili ko sa mga bata ng Sitio Kabulusan. They are the kids who are hoping that someday their families will have a better life. Sa kabila ng kanilang kalagayan  makikita mo ang ngiti at hindi luha at makikita mo ang paniniwala at hindi kawalan ng pag-asa.

Sabi nga ng bago kong hero na si Francis Kong "Be insipred so that you too may be inspiring, and pass on the gift to someone else today. Do that and I guarantee you, your day will be lived to its fullest."

  • Digg
  • Del.icio.us
  • StumbleUpon
  • Reddit
  • RSS

0 comments:

Post a Comment